Roxan's Photography

Roxan's Photography

Tuesday, January 4, 2011

Final Wave

Real closure.. Hinahanap ko sarili ko, nakita ko na siya, kelangan ko lang pala lumapit sayo. 

Nangako ako dati na hindi ako mapapagod, pero paano ko naman ipagpapatuloy ang pag ibig na iniingatan kung hindi mo naman ako binibigyan ng dahilan para ipaglaban? 


Mahabang panahon na ang nakalipas. Haiissst.. Ikaw parin, gaya ng gusto mong mangyari, pero bakit ngayon lang? bakit ngayon lang kung kelan gustong gusto ko nang sabihin sayo, na salamat! salamat kasi pinakawalan mo ako.;) 


Bakit ngayon lang kung kelan sanay na akong wala ka? Naging masaya ako, masayang masaya na matagal ko nang pinangarap na maramdaman na kasama ka, at sa kagustuhan kong maging masaya, pilit kong sinasabing mahal ko siya..ouch!  Real closure.. Hinahanap ko sarili ko, nakita ko na siya, kelangan ko lang pala lumapit sayo. malapit na malapit na gaya ng dati, kelangan harapin ang lahat ng sakit na pwede ulit mangyari. 


Final wave, nakita kong ikaw parin ang may hawak ng puso ko, ngayon kung kelan masaya ka na.
Im sorry, sorry kung napagod ako, sorry kasi, kahit ikaw parin, wala na akong lakas ng loob ngayon na balikan pa ang mundo mo. 
to be honest, masaya na ako para sayo;)

No comments:

Post a Comment